Sunday, January 19, 2014

X FACTOR ISRAEL ROSE FONTANOS WAGING-WAGI

Pilar's Stars' Trips 
Ni Pilar Mateo

Binantayan 'o tinutukan talaga ng Vic de Leon Lima at Karen Davila sa kanilang radio program sa DZMM sa "Parada Sais Trenta" ang pagkakataon'g makapanayam ang Israel X Factor grand winner na si Rose Fostanes.


Unang kinapanayam ng dalawa ang pinsan ni Rose o Osang na si Anna na naga-antabay dim na makausap ang OFW na tubing Tipas, Taguig simula nang manalo ito. At suwerte namang bago pumasok sa hotel si Osang para sa sasalangan niyang presscon, nakatawag sa kanya ang DZMM at nakapaglistahan at balitaan pa muna sila ng kanyang pinsan. Na tuwang-tuwa at excited na ng sa pag-uwi rito ni Osang. Nakapag-share din ng Kuwento si Anna tungkol samga pagsalo-sali na noon sa mga amateur singing contest ni Osang. 



Nagmu-muntik-muntikanan na nga taq itong tumigil Na noon dahil sa 'di matingkaang pmgungutya sa kanya. Sabi nga ni Osang, nagkaroon din siy ng hesitation nang mag-audition na siya sa Israel X Factor. 

"Natakot lang ako na baka maulit 'yung nadaanan ko na. Pero nung unang audition ko, nung kinanta ko ang "This is my Life" standing ovation na. Tapos sa mga live guesting talagang nagi-standing ovation na lahat. Nasanay na nga po ako.

" Dito sa Pilipinas, pinaka-iiwas-iwasan ng kantahin sa mga karaoke bars, maski pa sa mga paties ang pinasikat na "My Way" ni Frank Sinatra. Na siya namang naging winning piece ni Osang. Bakit daw ito ang pininli niya? Eh, may nega'ng hatid dito sa atin ang nasabing kanta? "Ang mentor ko rin po ang pumili noon, gaya sa audition piece ko. Fit daw po sa akin 'yung kanta. Naaangkop daw po sa katauhan ko." Kung itutuloy pa rin daw ba no Osang ang kanyang pagiging caregiver doon eh, hindi pa niya mapag-desisyunan. Tila ayaw pa rin daw niyang mawalay sa pamilya'ng siya rin namang naging daan o dahilan sa narating niya ngayon. Sobra-sobra ang pasalamat ni Osang sa kanyang mga kababayan, pamilya, sa Diyos, sa kanyang mentor at higit sa lahat sa kanyang GIRLFRIEND! 

Mula pa lang pala ng eleven years old si Osang, siya na ang tumayong ama sa kanilang pamilya nang iwan sila nito. Ngayon pa lang, naka-linya na raw ang guestings ni Osang sa Kapamilya shows! She's the X Factor with such a Great Voice! Abangan ang kanyang pagdating!

Monday, January 13, 2014

POKWANG REPLACEMENT KAY ANNE CURTIS!

Pilar's Stars' Trips 
Ni Pilar Mateo

Para siyang Reyna'ng ke aga-aga'ng dumating sa launching ng bagong branch ng The Library Comedy Bar ni Mamu Andrew de Real doon sa Metrowalk in Ortigas. Magka-cut daw siya ng ribbon. Hindi raw available si Anne Curtis! Eh, magka-level lang naman daw ang ganda nila. 

Sabi ni Pokwang, nami-miss din daw niya ang mga pagsama-sama o pag-salang-salang niya sa mga comedy bars na gaya ng The Library dahil sa mga ganitong lugar nga raw siya nahasa'ng lalo nang maging "Klown in a Million" siya several years back. "Kaya basta may event si Mamu na ganito, talagang gora ako. At saka napatunayan ko na rin kah Mamu 'yung husay niya sa paggawa ng script at pagdidirek ng mga shows namin here and abroad." For several years pala, nabuo na rin ang kakaibang bonding nila nito kaya naman pala pati ang anak ni Mamu na si Alyssa eh, parang Mommy na rin ang tingin kay Pokwang. "Ay, naku basta rin lang wala akong kaabalahan sa TV o sa pelikula, yamang nagba-bonding-bonding na kami pati mga anak-anak namin madalas ipinapatikim ko kay Mamu ang mga specialty ko sa kusina yamang 'yan naman ang isang fortr ko pa-magluto."


At yamang wala pa rin siyang love life, hindi naman kaya sila ni Mamu ang ma-push ng anak nito na mas maging lalo pang close? "Sobra-sobra na nga. Soon lilipad na naman kami pa-Amerika para sa pagsasama-sama uli namin nina K Brosas, Pooh at Chokoleit. Si Mamu ang may pakana nun. Enjoy lang kami na parang isang pamilya." Sa tingin ba niya nai-intimidate ang mga lalake sa kanya kaya madalang pa sa patak ng ulan 'yung naglalakas-loob na lumigaw sa kanya? "Feeling ko nga. Meron naman ako mga na-type-an. Kaso may mga jowa na. Mga tipo'ng Fanio Ide o Daniel Matsunaga. Mga foreign ang dating. Kaso, mahirap with my work, with my daughter syempre. Alam mo na. Kaya work kete work pa rin ang priority." Kung makikitang madalas si Pokwang ngayon sa Metrowalk sa Thr Library-ay 

hindi po 'yung pagpu-push na maging sila ni Mamu ang magaganap. For sure pageensayuhin na sila o pagre-rehearsin ni Mamu for their shows in the US.

Sunday, January 12, 2014

SOLENN HEUSSAFF MAY BAGONG "LOVE"


Rated!
Ni RK Villacorta


Isa sa mga artistang babae natin sa kasalukuyan na hanga ako sa pagiging open minded at liberated ay itong si Solenn Heussaff.

Hindi kasi laking Pinas kahit “Pinoy na Pinoy” ang paguugali (she’s half Pinay naman) dahil siya itong babae na walang kebs sa sasabihin o impresyon ng mga tao sa kanya.


Si Solenn naman sa pagkabata, halo-halo na ang kultura na nakasanayan reason why ang pagiging open niya sa kanyang persona life (usaping boyfriend, mag-pose in super sexy bikinis, etc.) ay pangkaraniwan na lang sa kanya.

 Well rounded person si Solenn. Dating fashion designer ng isang local clothing brand ni Lulu Tan-Gan ; she is also a painter at based sa sample ng kanyang mga art pieces na nakita na namin, malalaki ang mga strokes ng mga paintings niya ( I love the large scale mural type) reason why it shows who she is. Open, radical ( hindi tradisyonal) kumpra sa ibang mga showbiz personalities natin.


No wonder, when she did the film Mumbai Love na partly shot in Mumbai, India ( one of Asia’s richest city when it comes to culture and traditions) she instandly loved the place.Kami man, when we saw the full trailer of the film, bigla nag-flashback sa amin ang India (one of the places we visited in the late 90’s) na nagustuhan din namin. Ang peg kasi ng movie niya na dinirek ni Benito Bautista, wanderer siya who traveled to Mumbai and discovered it’s culture and found love.

Just like sa tutoong buhay where is she romantically linked sa Argentinian boyfriend niya na sa kanyang Instagram account, she posted photos of her recent Christmas trip with his BF sa Argentina. Sa IG, she posted her trip sa Iguazu Waterfall with his hunky boyfriend na tipong isang international model.

Walang kebs si Solenn sa isang photo niya na almost half-naked siya ( ganun din ang kanyang BF) na ang ganda tingnan sa pagigign free-spirited nilang dalawa. Based on photos kulang na lang yata ay yong ikakasal ang dalawa which is not too distant lalo pa’t nasa marrying age na rin ang dalaga.


In the romantic film na Mumbai Love: The Movie tipong pang-Hollywood ang pelikula when we saw the full trailer. Ang pelikula na ipapalabas come January 22 makakasama ni Solenn sina Jayson Gainza , Raymond Bagatsing at Martin Escudero.

Produced by Capstone Pictures and distributed by Solar Entertainment, the film deals with two cultures. Ang Pinoy at ang Indian culture kung saan ang pag-ibig na na-discover ni Solenn sa Mumbai sa kanyang tour guide played by Kiko Matos ang hahabi ng magandang kuwento tungkol sa kanilang mga karakter.

Basta ako, I love the trailer sa pagka-glossy nito na tipong Hollywoodish kung wala lang mga Pinoys sa cast. Mumbai Love, isang pelikula about love. Bait nga ba maghihintay ka pa ng Valentine's Day kung pwede ka naman ma-in love sa January 22?


NORA AUNOR RARATSADA SA 2014

Rated!
Ni RK Villacorta

Taon yata talaga ni Nora Aunor ang 2014. Bukod sa pelikulang Padre de Pamilya with Coco Martin, may ginagawa rin siya (halos magkasabay) na pelikulang Dementia na unang directorial job ni Perci Intalan, dating Creative Head ng TV5.

Ayon kay Direk Perci, noong 2011 pa siya nakipagtrabaho sa aktres mula nang dumating ito sa Pilipinas for the first time after years of absence sa showbiz matapos manirahan sa Amerika. Siya kasi ang in-charge kay Nora mula nang pumirma ito ng kontrata sa istasyon ni MVP.

Director Perci Intalan
Kuwento sa amin ng isang production insider, natutulala nga raw si Direk Perci 

Kapag eksena na ni Guy kung minsan, hindi na niya ito kina-cut dahil sa pagkabighani niya sa aktres.

Kahit sino naman (tulad ni Coco Martin sa pelikula nila ng aktres) iisa ang nasasabi nila, “super galing” ni Nora na maging sila ay napapamangha at speechless kapag kaeksena na nila ito.


For 2014, bukod sa Padre de Pamilya under Adolf Alix, Jr. as director at itong Dementia ni Direk Perci, may nakabitin pang isang teleserye si Guy sa istasyon ni MVP na kasama naman niya ang dating ka-loveteam na si Tirso Cruz III.

By the way, kasama ni Nora sa Dementia ang baguhang na si Jasmine Curtis-Smith na kapatid ni Anne.

Sa mga Noranian, heto’t may mga producer na nagsusugal sa idolo n’yo. Kumilos na kayo at mag-ipon para may pampanood ng sine at hindi ‘yong ngawa na lang kayo ng ngawa sa Facebook na diehard fans kayo gayong kulang naman kayo ng suporta sa idolo n’yo.

HINDI SA LONDON KUNDI SA ATENEO NAGAARAL SI KORINA SANCHEZ

Rated!
Ni RK Villacorta

 Na-late ang labas ng release cum announcement na magli-leave of absence si Korina Sanchez sa kanyang radio show sa DZMM.
Nang maunahan ang ABS-CBN Corporate Communications sa mga balitang napatalsik si Ate Koring sa radio ng Kapamilya Network, parang sunog na kumalat na ang balitang pagkatsugi ng Senior News Correspondent ng ABS-CBN.



Ilang araw lang na delay ang pagbabalita mula sa kampo nina Sir Bong Osorio, Sir Kane Ochoa at Aaron Domingo lalo pa’t sa last episode ng programa niyang Rated Korina na pansamantalang si Jasmine Romero ang nakaupo (for the last few weeks ng show habang nasa Visayas si Ate Koring noon to do her Rated K episodes) hindi nilinaw ni Jasmine na huling yugto na ‘yun ng programa ni Ate Koring na nagsisimula ng alas-diyes ng umaga.

That Friday morning, guests pa nga sina Amy Perez at Marc Logan to promote their radio show na Sakto Lang na siyang pumalit sa programa ni Ate Korning.



Nilinaw ni Sir Kane na sa pag-leave of absence ng pamosong broadcaster, mas magko-concentrate si Ate Koring sa kanyang graduate studies sa Ateneo de Manila University.


‘Yong mga lumabas na balita na sa London siya mag-aaral ay isang kuryente dahil ang taga-ABS-CBN na nasa London ngayon para mag-aral ay ang Senate Reporter ng News and Current Affairs na si Ryan Chua.

Pagbabalita pa nina Sir Kane at Arron na tuloy pa rin ang Rated K show ni Ate Korning every Sunday na nalipat lang on a later time para maipasok naman ang Home Sweetie Home nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga at ang  nightly news program ng ABS-CBN na TV Patrol.

For 2014, ang daming mga bago na magaganap sa Kapamilya Network na dapat abangan ng publiko.

COCO MARTIN FILM PRODUCER NA!

Rated!
Ni RK Villacorta

This time, producer si Coco Martin kung hindi ako nagkakamali. Mukhang maganda ang first project ni Coco kung saan siya ang isa sa major investor via the movie Padre de Pamilya, kung saan halos lahat ng kasali sa pelikula ay mga award-winning performers.


Bukod kay Coco as producer, first time makakasama ng aktor si Nora Aunor. Maging sina Joel Torre, Rosanna Roces at Anita Linda, makikipagsabayan sila sa isa’t isa sa pagalingan ng pag-arte.

One nice thing about the film na nagsimulang mag-shooting first week of January lang, ini-expect na pang-award para sa lahat ng mga kasali from the lead actors to the supporting roles, walang itulak-kabingin ang award-giving bodies kapag naipalabas na ito at makikipagsabayan sa award season.

Busy sa kanyang pelikulang Padre de Pamilya as actor and producer mula sa direksyon ni Adolf Felix Jr., ang tanong ng kanyang mga fans, kaila naman kaya magbabalik telebisyon si Coco after ng success ng fanta-seryeng Juan de la Cruz sa Primetime Bida?

IZA CALZADO POSITIBO ANG PAGKA- IN LOVE SA BF


Pilar's Stars' Trips 
Ni Pilar Mateo

Ang pakiramdam ng mga tao, ang tagal na niyang na-bakante sa telebisyon. Pero ayon sa magiging kontrabida ni Bea Alonzo sa bagong lunsad na proyekto ng Dreamscape Television Entertainment na "Sana Bukas pa ang Kahapon" na si Iza Calzado, magkakasunud-sunod kundi man magdidikit ang mga programang mapapanood sa kanya this year.

"7 months din namin ginawa ang "Biggest Loser" and this month na siya ipapalabas. Hindi ko lang kasi napo-post sa Facebook and Instagram ko 'yung mga updates pero there were so many challenges din I faced with the task assigned to me sa show."

Obvious naman na may magandang naging epekto kay Iza ang nasabing reality show at kitang-kita 'yun sa kanyang pisikal na kaanyuan.

"2013 was filled with lots of blessings. But the biggest surprise eh, itong offer ng Dreamscape na "Sana Bukas pa ang Kahapon". Wala pa ako masyado maikuwento with my character dahil nag-story conference pa lang din kami.

"Though compared sa mga roles na nabigay sa akin noon iba na naman ito kasi may pagka-bida-kontrabida naman ang gagawin ko with my character na magiging katapat ng characer ni Bea. And I've been really so looking forward to this type of character. So, for sure kami ni Bea ang aabangan sa mga confrontation scenes."

Na-put on hold ang isang project niya wherr she will co-star with Dawn Zulueta and Richard Gomez. But she's still hopeful na matutuloy pa rin ito.
What about her lovelife with Ben Wintle na mukhanh kampante'ng-kampante na siya and in her social networking sites-naise-share na niya ang mga travels nila out-of-the-country. Napapag-usapan na ba ang kasalan?

"Not naman like that or that sort na put on hold. Kasi out of the question. Wala pa naman sa mga plano namin. We're just enjoying each other's company and we do that sa mga travels namin if our schedules allow us. Travel-travel lang 'pag may time. I just wish din na nandito pa si Dad. Siya kasi talaga ang matutuwa sa lahat ng good things coming my way now. This was his dream for me. Sa career ko. But I know, with Ben in my life now-happy siya because Ben is taking care of me."