Rated!
Ni RK Villacorta
Isa
sa mga artistang babae natin sa kasalukuyan na hanga ako sa pagiging open
minded at liberated ay itong si Solenn Heussaff.
Hindi kasi laking Pinas kahit “Pinoy
na Pinoy” ang paguugali (she’s half Pinay naman) dahil siya itong babae na
walang kebs sa sasabihin o impresyon ng mga tao sa kanya.
Si
Solenn naman sa pagkabata, halo-halo na ang kultura na nakasanayan reason why
ang pagiging open niya sa kanyang persona life (usaping boyfriend, mag-pose in
super sexy bikinis, etc.) ay pangkaraniwan na lang sa kanya.
Well rounded person si Solenn.
Dating fashion designer ng isang local clothing brand ni Lulu Tan-Gan ; she is
also a painter at based sa sample ng kanyang mga art pieces na nakita na namin,
malalaki ang mga strokes ng mga paintings niya ( I love the large scale mural
type) reason why it shows who she is. Open, radical ( hindi tradisyonal) kumpra
sa ibang mga showbiz personalities natin.
No wonder, when she did the film
Mumbai Love na partly shot in Mumbai, India ( one of Asia’s richest city when
it comes to culture and traditions) she instandly loved the place.Kami man, when we saw the full trailer
of the film, bigla nag-flashback sa amin ang India (one of the places we
visited in the late 90’s) na nagustuhan din namin. Ang peg kasi ng movie niya na
dinirek ni Benito Bautista, wanderer siya who traveled to Mumbai and
discovered it’s culture and found love.
Just like sa tutoong buhay where is
she romantically linked sa Argentinian boyfriend niya na sa kanyang Instagram
account, she posted photos of her recent Christmas trip with his BF sa Argentina. Sa IG, she posted her trip sa Iguazu
Waterfall with his hunky boyfriend na tipong isang international model.
Walang kebs si Solenn sa isang photo
niya na almost half-naked siya ( ganun din ang kanyang BF) na ang ganda tingnan
sa pagigign free-spirited nilang dalawa. Based on photos kulang na lang yata
ay yong ikakasal ang dalawa which is not too distant lalo pa’t nasa marrying
age na rin ang dalaga.
In the romantic film na Mumbai Love: The Movie tipong pang-Hollywood ang pelikula when we saw the full trailer. Ang pelikula na ipapalabas come January 22 makakasama ni Solenn sina Jayson Gainza , Raymond Bagatsing at Martin Escudero.
Produced by Capstone Pictures and distributed by Solar Entertainment, the film deals with two cultures. Ang Pinoy at ang Indian culture kung saan ang pag-ibig na na-discover ni Solenn sa Mumbai sa kanyang tour guide played by Kiko Matos ang hahabi ng magandang kuwento tungkol sa kanilang mga karakter.
Basta ako, I love the trailer sa
pagka-glossy nito na tipong Hollywoodish kung wala lang mga Pinoys sa cast. Mumbai Love, isang pelikula about love. Bait nga ba maghihintay ka pa ng Valentine's Day kung pwede ka naman ma-in love sa January 22?