Saturday, January 11, 2014

JOHN LLYOD AT TONI KLIK NA KLIK SA TV!



Rated!
Ni RK Villacorta


Aliw ang bagong tambalan sa telebisyon nina John Llyod Cruz at Toni Gonzaga ang Home Sweetie Home sa Kapamilya Network pagkatapos ng Goin Bulilit tuwing Sunday.

Very Rom-Com tulad ng mga pelikula ni JLC ang peg na pang-telebisyon ang pangalawa pagkakataon na magkasama sila ng kapareha kung saan ang My Amnesia Girl ang una. I think this one is better kaysa sa John n Marsha ng aking panahon na bida sina Mang Dolphy at Ms. Nida Blanca.

Hoping na maging consistent ang pang-kiliti ng dalawa sa boobtube. In fairness, super sipag si Angelica Panganiban sa pagpo-promote ng bagong show ng lovey dovey niyang si JLC sa Istagram huh!

This will be another in my list sa mga regular shows na susubaybayan ko. Yehey!


KUROT ANG LAMBING NI KIM KAY XIAN


Rated!
Ni RK Villacorta


Ganun yata si Kim Chiu sa kaparehang si Xian Lim sa tuwing nangigigil.
Kapag nabubuking, isang madiing kurot ang sapo-sapo ni Xian mula sa dalaga.

Kaya nga sa last TV guesting nila to promote their latest team on screen ang Bride for Rent, mahigit sampung kurot ang nataggap ni Xian mula kay Kim na ang binata ay umaaray na lang sa sakit.

Cute tingnan ang dalawa na kung sa iba ay hampas ang sinusukli sa panunukso ng lalaki sa babae, isang masakit na kurot ang sukli ng dalaga sa binata.
 
Ewan ko ba kung bakit until now ayaw pa aminin ni Km ang tungkol sa kanilang dalawa ni Xian gayong wala naman  kumu-kontrata.

Hindi kaya matulad ang "relasyon" ng dalawa sa naunang " romance" ni Kim kay Gerald Anderson na dahil tipong open-ended ang sa kanila ng "ex-bf", hayun at may nakasingit gayong wala ngang confirmation ang " love" nilang dalawa noon na hindi naman tinatatakan ng dalaga na sa kanya si Gerald kung kaya't nagkaganun ang ending.


Based sa full trailer ng Bride for Rent  ng Star Cinema na palabas na sa January 15, Wednesday na napanood namin, aliwng-aliw kasi sa mga eksena nila. Nakailang halik din si Kim sa lips ni Xian sa eksena sa kanilang wedding scene. 

I'm sure, pagatapos ng kanilang prom, ang daming pasa sigurado n Xian sa katawan na kung minsan umaaray na nga ang binata sa sakit.




PELIKULA NI VICE GANDA KINABOG ANG SISTERAKAS!

Rated!
Ni RK Villacorta

Happy and proud si Direk Wenn Deramas sa magandang balita na nakarating sa kanya yesterday afternoon ( Saturday, January 11) dahil kinabog ng pelikula ni Vice Ganda na MMFF 2013 entry ng Star Cinema at Viva Films na Girl, Boy, Bakla, Tomboy ang last year MMFF 2012 entry nilang Sisterakas  bilang Highest Grossing Filipino Film of All Times na umabot na ng P400 Million and still counting. 


Kaya masaya si Direk Wenn dahil natupad ang ang pangarap ni Vice na maging Numero Uno sa nakaraang film festival at naisakatuparan ang "biro" niya kay Kris na kino-congratulate niya ito bilang pangalawa lang sa kanyang pelikula pagdating sa Box-Office returns.

Tuloy sa kanyang Shout Out sa kanyang Facebook account, nagpapasalamat siya una sa lahat sa Panginoon at binati ang bida ng pelikula na si Vice at si maricel Soriano at sa lahat ng bumubuo ng pelikula lalo na ang Star Cinema at Viva Films na patuloy na nagtitiwala sa kanya. Kantiyaw ni Direk Wenn: " BONUS!"

 

Thursday, January 9, 2014

MUMBAI LOVE " HOLLYWOODISH" ANG PAGKAGAWA

Rated!
Ni RK Villacorta


Hindi ganun ka-familiar ang pangalan ni Benito Bautista sa Pilipinas. Kung hindi ka pa mahilig manood ng indie films 'o isa sa mga regular fan ng Cinemalaya at indie film festivals, malamang sa hindi, never heard ang name niya.
Director Benito Bautista

Sa itsura at looks, tipong “tattoo artist” si Direk Benito. Bata pa. Jeproks na tipong rocker ang dating na cool na cool. Nahasa siya sa mga pelikulang Hollywood na naging training ground niya para maging full-pledged director ng pelikula.

Sa kauna-unahang “commercial” film niya na produced ng Capestone Film Production at ire-release sa pamamagitan ng Solar Entertainment, mukhang may promise ang Mumbai Love: The Movie starring Solenn Heussaff at Kiko Matos. Sa trailer na napanood namin ay maganda at glossy as what we have written before na impressive ang project.

Si Direk Benito ay isa sa 30 finalists from around the world na lumaban sa Busan International Film Festival Asian Project Market. Ang unang project niya na narrative film na Boundary ay ginawaran ng NETPAC as Best Film winner sa Cinemalaya last 2011. He also received the Philippine Daily Inquirer’s Indie Bravo Award noong 2012 for creating films that received international acclaim and recognition.


Track record wise, hindi kung saan-saan lang pinulot si Direk Benito para mag-direk ng Mumbai Love na sa trailer pa lang, swak na sa panlasa namin. 

By the way, Direk Benito was part of the film Milk starring Sean Penn about the life of a San Francisco (California) Gay Activist na naging bahagi ng pagbabago ng gay rights sa Amerika.


ANG "APARADOR " AT SI ARJO ATAYDE!

Rated!
Ni RK Villacorta

 May libog din pala si Arjo Atayde. Sa unang tingin, akala mo prim and proper ang actor bukod sa mahiyain ang dating. May pilyo side din ito na the other night sa tsikahan namin with some press friends, kahit sinasabi niya na wala siyang sex life, nagtaas-kilay lang sina Vinia Vivar, Reggie Bonoan at Pilar Mateo sa kanyang statement na alam mong hindi mo paniniwalaan.

After his performance sa MMK last Saturday where he played a cross-dresser, akala ng publiko, may “beki” factor si Arjo. Pero ang totoo, goodboy lang. Tulad ng sabi niya: “ Walang Atayde ang Bakla. No sex life lang talaga”.



Maniniwala ka ba? Basta ang alam ko, he’s preparing para magustuhan ng Cosmopolitan Philippines Editorial Team para mapasama siya sa kanilang yearly Cosmo Bash, kung saan ang mga kalalakihan sa mundo ng showbiz at fashion ay rarampa on stage para ipagmalaki ang kanilang mga katawan at kung ano pa man mga "bakat" na nakatago sa pagitan ng kanilang mga hita.


Pahabol ni Arjo, ewan ko kung biro, iniipit naman daw niya ang “kanya” sa pintuan ng aparador para…


Tuloy biro ng isang beking reporter, “Sana ako na lang ang aparador.”

SAY NI XIAN : " KIM IS A BRIDE MATERIAL!"


Rated!
Ni RK Villacorta

Walang pag-amin mula kina Kim Chiu at Xian Lim tungkol sa estado ng kanilang relasyon. Bahala ka na humula kung sila na ba or whatever. Ayaw mag-commit ni Kim at ni Xian. Sa presscon ng kanilang pelikulang Bride for Rent ng Star Cinema na ipapalabas na sa Wednesday, January 15, naging isyu pa sa press ang maanghang statement ng dalaga.

 Pero kung ang tambalan nila ay may kilig factor (sa edad namin na 52, kilig pa rin kami sa dalawa); mapapangiti ka sa sa sweetness nila.

Sabi nga ni Xian, “Kim is a bride material!” Na nang sambitin ng binata ito openly, napangiti at may glow sa mga mata ng dalaga. Loveable naman kasi ang dalaga. Kahit sinong binata, mabibighani sa kanya.

Ayaw man bumitaw ng kanyang “tunay” na nararamdaman, aminado si Kim na si Xian lang ang lalaki sa showbiz na close siya personally. 

Maging sa pamilya niya, may effort ang binata para mapalapit siya sa mga kapatid ng dalaga. Reason why, malapit ang puso ni Kim kay Xian kahit at age 23 ni Kim, ewan ko kung bakit ibinibitin pa niya kung ano man ang nararamdaman niya sa kapareha.

We just hope na hindi muli maulit ang nangyari sa kanila ni Gerald Anderson na dahil sa bagal ng pag-amin ni Kim na merong something between her and Gerald, tuloy nasingitan ang suppose to be “love” made in heaven nila.

Kung sa bagay, dapat kung love mo, aminin mo na. Kung kayo man, dapat tatakan na niya ng “Love of Kim” or “Property of Kim” (or Xian) para wala nang makikialam. 

Wala nang sisingit. Wala nang biglang papasok sa eksena, o gawing dahilan na may third party kaya nag-break ang isang pagsasama at pagmamahalan.


By the way, si Direk Mae Cruz (of She’s The One) ang director ng Bride for Rent who will be getting married very soon for real.

ANNE CURTIS ANG BAGONG DYSEBEL!

Pilar's Stars' Trips 
Ni Pilar Mateo

Ang dami'ng pangalang lumitaw at nagsaad na ang mga ito na ang sisisid sa kaagatan para sa nasabing role. May Cristine Reyes. May Julia Montes. At lately, may Kim Chu pa nga na katakut-takot na batikos na agad ang inabot sa social media dahil kung siya raw ang Dyesebel eh, parang dilis na ito. At na-tsismis pa ngang nagpa-retoke pa raw 'o may ipinagawa si Kim sa katawan niya para lang sa role niya as Dysebel na hindi naman napunta sa kanya.
Kim denied it na sa kontrobersyal niyang presscon.

At dyaran! Ang kapwa niya kontrobersyal na si Anne Curtis pa rin anh lalangoy at sisisid sa karakter na nasakyan na niya dati sa "Diosa" ang maging sirena.Mangiyak-ngiyak si Anne dahil natanggap niya ang balita nang kauuwi pa lang niya from her vacation sa Canada, ipinatawag na siya ni Tita Cory Vidanes, direk Laurenti Dyogi at DTE nga after ng "It's Showtime" to tell her the good news.

Sinusugan pa ito ng market researchers na nag-survey kung sino ang pulso ng tao'ng mapanood bilang si Dyesebel.

Anne must have done so many good things in life kaya naiyak siya dahil sa sobrang tuwa niya na kahit nga raw may ka-negahang iniiwan na niya sa natapod na taon, eto at full support pa rin ang mga tao sa kanya.


Operative word for the day ang "Awkward!" nang tinatanong na siya sa muli nilang pagtatrabaho ng magiging syokoy niyang si Liro na si Sam Milby. At si Gerald Anderson naman ang kanyang magiging Fredo.
May gusto pa sana ilusot kung sino raw kaya sa dalawang leading man niya ang sasampalin niya sa eksena.
Ang ganda lang ng smile ni Anne sabay say ng "Awkward!"
Confirmed na kung sa following din lang, maratabunan ng mga ito ang minsanang kalokahang nadaanan ni Anne in the past!
She'll swim into tour hearts this summer!

Wednesday, January 8, 2014

ARJO ATAYDE SA COSMO 69

Pilar's Stars' Trips 
Ni Pilar Mateo

 "Walang Atayde'ng bakla!" ang sabi ni Arjo Atayde nang makausap ng press matapos ang pinag-usapan niyang gay role sa "MMK" (Maalaala Mo Kaya) noong Sabado. Pero ang alam daw niya may mga tomboy naman siyang kamag-anak. Inamin nga ni Arjo na hirap na hirap siya sa itininoka'ng papel sa kanya na noong una'y very hesitant siyang tanggapin. Pero na-realize nga raw niya na kelan pa nga na niya ito gagawin. "If there will be an offer uli? Siguro 'yung hindi na cross-dresser na gaya ng ginawa ko. Mas magagawa ko siguto 'yung may pagka-closet. Nagkaroon naman kami ng smack ni Felix (Roco) pero 'yung serious na kissing scenes I don't think so.

 Not at this time pa." Arjo's next project on TV will be something that will pair him with his crush Alex Gonzaga, in the Korean tele-novela remake, "Pure Love". Ano ang future naman niya with his crush? "I visited pa lang her noong first taping day ni Alex. Ako kasi, this week pa lang magte-taping." Asked kung magiging okay ba siya kayu mommy Pinty, mukhan'ng makakasundo naman daw ito ng Mommy Sylvie niya. 2013 was a very good year daw for Arjo with so many blessings na dumating especially in his career. Nabawasan man ang yearly 5 to 10 x a year na pagsama niya sa family sa mga travels abroad-thankful pa rin ang binata. Any more? "I would like to try to be a part of Cosmo this year!" Pero joke pa raw 'yun!

MATAPOS ANG SAMPALAN JOHN LLYOD AT ANN MAY PELIKULA!

Extreme!
Ni Roldan Castro

 “Sa mga hindi nagsulat, maraming-maraming salamat po. Sa mga nagsulat, God bless You na lang po,” bulalas ni Anne Curtis sa ‘sampal scandal’ niya. “Moving on,” dagdaga pa niya at pagsasalarawan sa 2014. 

Balik-work na naman si Anne mula sa kanyang bakasyon. Napapanood na siya sa “ It’s Showtime” at balitang may gagawin silang pelikula ng ex-boyfriend niyang si Sam Milby. May gagawin din daw siyang bagong album pero pahinga muna siya sa pagco-concert. Di tuloy ang plano niyang concert sa Smart Araneta. Pero marami ang nai-excite sa balitang may project diumano na pagsasamahan sina anne Curtis at John Lloyd Cruz pagkatapos ng sampalan na nangyari. Kung sabagay, parehong hindi na pinag-uusapan ng dalawa ang sampalan blues at mukhang okey na silang dalawa,huh!

KIM CHIU KINABOG SI ANNE CURTIS!

Extreme!
Ni Roldan Castro

Kabog ang kontrobersyal na quotation ni Anne Curtis na “ I can buy you, your friends, and this club” ngayong 2014. Dapat magpasalamat si Anne kay Kim Chiu dahil ito ngayon ang pinag-uusapan ng movie press at social media. Ito’y ang “"We don’t owe you any of our personal lives” sa presscon ng latest movie nila ni Xian Lim na "Bride For Rent". Directed by Mae Czarina cruz. Nakaka-nega kay Kim s ang tugon niya na kung saan ay balitang nag-walk-out ang reporter na nagtanong nito. Simple lang naman ang question na “We want an honest answer. Kasi, nauumay na rin kami minsan. Palagi kaming nabibitin.May tinatanong kami, kung anu-anong pasikut-sikot ang isinasagot sa amin. We want an honest answer: Nasaang level na kayo ng inyong relasyon at kayo na ba, kung saka-sakali?

We will respect kung ano ang sagot niyo." Puwede namang itawid ni Kim ang sagot sa tanong na ‘yun na hindi siya nakaka-offend pero nag-iwan tuloy nang hindi magandang impresyon sa kanya. May anghang talaga ‘yung sagot ni Kim. Kahit sino makarining offending, lalo na sa mga thinking press. Hindi lang naman ‘yan na basta isusubo sa yo, kakainin at lulunukin mo. Ang sagot lang naman diyan ay yes or no at hindi niya kailangang magbigay ng anumang explanation. At base sa mga sagot ni Kim sa presscon at obserbasyon ng press, parang hindi pa siya totally nakaka-move on sa dati niyang boyfriend na si Gerald Anderson. Nandoon pa rin ‘yung sinasabi niya na natatakot siyang makipagkaibigan (dahil bas a karanasan niya kay Maja Salvador) at si Xian lang ‘yung matiyaga na nandiyan sa tabi niya. Kinagabihan after ng presscon mababasa sa Twitter Account ni Kim :” cant sleep. . . . :(“. Mukhang may nagpapa-bother sa kanya. May kinalaman kaya sa kanya sa pagtalak ng isang reporter sa kanya at hindi nakatiis na sabihin na-offend sa sagot niya?

 Kinaumagahan, sa Instagram Account ni Kim na (chinitaprincess) mababasa ang "people will hate you, rate you, shake you and break you. but how strong you stand is what makes you." good morning!!!:) today is another day!:) God bless everyone!:)

Tuesday, January 7, 2014

KIM CHIU MAY ANGHANG NA!

Pilar's Stars' Trips 
Ni Pilar Mateo


There was so much spunk in the way she said it!

Sasabihin bang angas na rin sa tinuran ng leading lady ni Xian Lim sa "Bride for Rent" ng Star Cinema na si Kim Chiu?

Pretty Kim

May kinalaman na naman kasi sa level o' status ng relasyon nila ng aktor ang inusisa sa kanya. 


"We don't owe you any of our personal life. You can think what you want to think and 'yun na 'yun. As long as we make people happy. Merong hindi na dapat i-share and I hope you guys understand."

It didn't end there. May follow-up syempre dahil baka ma-misunderstand naman daw ang pagsasabi niya sa mga press na she doesn't owe us guys anything.



 

Her clarification: "Sinasabi ko naman po na utang ko sa inyo where I am now. Hindi naman ako mananalo sa "PBB" kung hindi dahil sa inyo. Since day one naging open na ang buhay ko sa lahat. Huwag na tayo umabot sa point na ganito? May mga bagay lang po na gusto ko naman na akin na lang."
Direk Mae Cruz, Kim & Xian

So-sa pipiliin'g sagot kung sila na ba o hindi pa ni Xian-the duo opts to keep it muna a secret. Although on the other hand, Xian is looking at the closeness and their togetherness na kasama na ang family ni Kim.

Eh, kung bestfriends lang sila talaga-since si Xian nga raw ang ina-allow ni Kim na nearest to her comfort zone-then so be it! 'Wag na ipilit!

Parang sina Roco at Rocky sa pelikula nila-playing make believe!

Monday, January 6, 2014

MY LITTLE BOSSINGS PANGIT AT PINIPINTASAN!

Extreme!
Ni Roldan Castro

Napanood namin ang ‘Boy Golden’ ni Gov. ER Ejercito. 
Ang haba ng pelikula pero hindi kami nainip dahil sa ganda ng istorya at pagkakadirek ni Chito Roño. 

Magugulat ka talaga kung bakit hindi man lang ito nagka-award sa nakaraang gabi ng Parangal ng MMFF. May K ito na kung hindi man nasungkit ang Best Picture o' puwedeng maging 2nd Best Picture ng filmfest kumpara sa “My Little Bossing” na pinipintasan talaga at pangit ang review sa movie. 

Ang ‘Boy Golden’ ay isa sa matinong pelikula ng filmfest at hindi sayang ang oras at pera pang pinanood ito. Tunay na rebelasyon din ang leading-lady ni Gov. ER na si KC Concepcion.

MARICEL SORIANO DESERVING MANALO SA MMFF!


Extreme!
Ni Roldan Castro

Kontrobersyal ang pagkapanalo ni Maricel Soriano bilang Best Actress sa nagdaang MMFF Awards Night para sa pelikula nila ni Vice Ganda na ‘Girl, Boy, Bakla, Tomboy’. Hindi raw deserving ang Diamond Star na manalo. Mas deserving daw na manalo ang isa kina KC Concepcion at Eugene Domingo. 



At dapat din daw ay sa supporting actress category lang na-nominate si Maricel dahil support lang daw ito sa kanilang pelikula. Nang mapanood namin ang ‘ Girl, Boy, Bakla, Tomboy,’ mula umpisa hanggang dulo kasama siya sa pelikula.Bagamat title role si Vice, umiikot ang istorya sa kanilang pamilya. 

In fairness, may acting si Maricel. Puwede na siyang mag-win ng award sa role niya. And more on drama siya rito kesa comedy. Hindi rin puwedeng kuwestyunin ang husay niya sa pag-arte dahil ‘di mabilang na acting trophies na napanalunan niya since child star pa lang siya Irespeto na lang sana ng detractors ni Maricel ang naging desisyon ng jurors ng filmfest. At kung sa Best Actress category man na-nominate si Maricel , ang tiningan siguro ng jurors ng filmfest ay yung merit ng performance niya sa pelikula at hindi yung ikli lang ng kaniyang role. Marami kaming nakausap na nakapanood ng ‘Girl, Boy, Bakla, Tomboy’ at iisa ang narinig namin sa kanila, magaling daw si Maricel. Okey na maging Best Actress. 


Hindi kagaya ni Vice Ganda na kahit apat ang character niya sa naturang pelikula, parang iisa lang ang acting. Parang inayusan lang siya na maging Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Hindi niya nairaos na maramdaman mo talaga na kakaiba ang acting ng apat na karakter niya. Ang ending tinalo siya ni Robin Padilla na deserving talaga na maging Best Actor sa ‘10000 Hours’. ‘Yun na ‘yun!

ANGEL LOCSIN'S LESBIAN FRIENDS

Extreme!
Ni Roldan Castro

Marami ang nakakapansin na t-bird ang madalas nakakasama ngayon ni Angel Locsin at nakaka-bonding. Mukhang wala naman paki si Angel kung intrigahin ito at pag-usapan! Kung sabagay wala namang masama kung ang katropa niya ay mga tivoli (read: lesbian) lalo na kung dun siya happy. 


Hindi lang sa Asian Cruise niya kamakailan ang may mga tomboy siyang kasama pati na rin sa burol ng ina ni Ai Ai delas Alas. 

Ano naman kung tomboy ang mga kabarkada ni Angel kung mababait naman ang mga ito, taong-tao at hindi showbiz ang pakikitungo,no!

EUGENE DOMINGO FEELING DIVA?

Pilar's Stars' Trips 
Ni Pilar Mateo

Nangangamoy away ang isang pinag-usapan'g isyu sa Facebook recently. Sumingasing kasi sa galit ang komento ng nag-post nito sa nasabing networking site. At marami naman ang naka-tukoy sa kumbaga'y inireklamo'ng celebrity sa nasabing page.



Kaya nagtanung-tanong na lang ako sa naturang isyu. Si Eugene Domingo ba ang tinukoy sa nasabing blind item?

Tinulikap ko na lang ang bida ng “Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel” at ang pagu-usisa ko sa kanya eh, kung nararanasan na ba niya ang mag-dumiva sa status niya ngayon, hindi lang bilang isang mahusay na manggaganap kundi star na rin in her own right-globally nga 'di ba?


“Hindi ko pa naririnig ang sabi-sabi na 'yan,” bungad ni Euge sa kanyang mensahe sa akin sa FB matapos niyang bumati ng “Happy 3 Kings!”

“But in general, the way I work-lahat ng ni-request ko in every production ay laging part ng pre-arrangement and agreement between my side, our line producer and staff. Pwede ka naman mag-imbestiga sa kanila mismo-namely: Ferdinand Lapuz (producer); Tonee (our PM); Omar Sortijas (talent coordinator); Perci Intalan (producer) and direk Jun Lana himself-mismo if you like!

“Thanks for asking! Objective naman ako. You may also ask our production-October Train and APT. kahit iabng production din kung talagang gusto nilang malaman how I work.


“As for me, happy-happy lang. At happy naman kami nina direk Jun. And I believe we are traveling again with the film in other festivals pa so looking forward to that. Enjoy kami lagi diyan! Forward ko rin sa kanila ang tanong mo para masagot din nila. Para fair. Thank you!”
After wishing me na sana ma-meet ko all my goals in 2014, may pahabol pa ang award-winning actress.

“P.S. Para exciting 'di ba? Super sarap ng bonding namin sa Tanay, Rizal with cast and crew. Pa-ligu-ligo pa sa ilog 'pag may time. Sa tutoo lang, nasanay na kami doon na walang kuryente, walang signal. Super simple. Unforgettable 'yun. At REWARDING!”

Sa malayong location nga raw kasi ng “Barber's Tale” nag-inarte si Euge at diumano, pinaglaruan ang isang ka-trabaho niya at kung anu-anao raw ang pinagre-request.

Hindi naman natukoy kung ano ang mga request na imposible'ng makuha sa nasabing lugar. Nagpabili ba siya ng Starbucks o nagpa-take out ng pagkain?

Ang mga kasama ni Euge sa trabaho ay sina Gladys Reyes, Iza Calzado, Daniel Fernando, Sue Prado, Nicco Manalo, Sharmaine Buencamino at Nonie Buencamino.


Say naman ni Euge, okay din daw na tanungin ang mga kasama niya sa produksyon. At okay lang daw magsalita ang mga ito.

Hmm...sino kaya sa kanila ang kamag-anak ni “Honesto”? At sino ang nag-parating ng balita'ng nagdudumiva sa set si Euge? Kaya, hindi rin mana maiaalis na may mag-react dahil magkakakilala at magkakaa-trabaho na ang mga tao rito.

KRIS AQUINO SOLID KAPAMILYA PA RIN!

Rated!
Ni RK Villacorta


Habang nasa London at nagbabakasyon kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby ay nag-post sa kanyang Instgram Account si kris Aquino with ABS-CBN logo a few hours ago para tapusin na ang kanyang pananahimik sa kaliwa't kanang mga issues na kesyo aalis na siya sa Kapamilya Network , etc. Narito ang full text ng post ni Tetay sa kanyang IG Account:

"May I set the record straight?

 1) I never met w/ any GMA officials but I am grateful to them for the generous coverage they gave My Little Bossings, primarily because of their longstanding partnership w/ Vic Sotto & the Eat Bulaga family. 

 2) I had met w/ MVP (Manny Pangilinan) in October & again Dec 23 of 2013.

3) I have been w/ ABSCBN for 18 years & like any other family we've had our ups & downs and sometimes unavoidable "tampuhan"- but we remain FAMILY..

My manager Deo Endrinal continued talks w/ our ABS bosses during the Christmas break & it is w/ much joy that I share w/ you that we have RENEWED my ABS-CBN contract. I am grateful to my ABS CBN bosses, Sir Gabby, Ma'am Charo, and tita Cory for the trust, value & importance they have given me. What I have become as a host, entertainer & producer came about because in 1996 FMG who was then president of ABS CBN told me, "Come back home." I would just like to give a shoutout to @cvvidanes for being an inspiring boss who has not only my respect, but my love. @montie08 for the patience to work out all the details & have a deal where we are all winners. Boy Abunda for his unwavering faith. @luiandrada @jasminip & @darlasauler & the whole KRIS TV family because I couldn't imagine a show of mine w/o you because we've learned to love each other unconditionally. 

And the most important THANK YOU is for all the KAPAMILYA viewers, thank you for watching me, enjoying me & making me part of your daily viewing. Because of your support I get to continue a job I love & I am also able to provide well for Kuya & Bimb...

From my heart, "MARAMING SALAMAT KAPAMILYA!!! ️️️"

Ngayon, tapos na ang haka-haka. Hindi mukhang datung si Kris. The suppose to be deal with MVP is off!