Rated!
Ni RK Villacorta
Happy and proud si Direk Wenn Deramas sa magandang balita na nakarating sa kanya yesterday afternoon ( Saturday, January 11) dahil kinabog ng pelikula ni Vice Ganda na MMFF 2013 entry ng Star Cinema at Viva Films na Girl, Boy, Bakla, Tomboy ang last year MMFF 2012 entry nilang Sisterakas bilang Highest Grossing Filipino Film of All Times na umabot na ng P400 Million and still counting. Kaya masaya si Direk Wenn dahil natupad ang ang pangarap ni Vice na maging Numero Uno sa nakaraang film festival at naisakatuparan ang "biro" niya kay Kris na kino-congratulate niya ito bilang pangalawa lang sa kanyang pelikula pagdating sa Box-Office returns.
Tuloy sa kanyang Shout Out sa kanyang Facebook account, nagpapasalamat siya una sa lahat sa Panginoon at binati ang bida ng pelikula na si Vice at si maricel Soriano at sa lahat ng bumubuo ng pelikula lalo na ang Star Cinema at Viva Films na patuloy na nagtitiwala sa kanya. Kantiyaw ni Direk Wenn: " BONUS!"
No comments:
Post a Comment