Rated!
Ni RK Villacorta
Hindi ganun ka-familiar ang pangalan ni Benito Bautista sa Pilipinas. Kung hindi ka pa mahilig manood ng indie films 'o isa sa mga regular fan ng Cinemalaya at indie film festivals, malamang sa hindi, never heard ang name niya.
![]() |
Director Benito Bautista |
Sa itsura at looks, tipong “tattoo artist” si Direk Benito. Bata pa. Jeproks na tipong rocker ang dating na cool na cool. Nahasa siya sa mga pelikulang Hollywood na naging training ground niya para maging full-pledged director ng pelikula.
Sa kauna-unahang “commercial” film niya na produced ng Capestone Film Production at ire-release sa pamamagitan ng Solar Entertainment, mukhang may promise ang Mumbai Love: The Movie starring Solenn Heussaff at Kiko Matos. Sa trailer na napanood namin ay maganda at glossy as what we have written before na impressive ang project.
Si Direk Benito ay isa sa 30 finalists from around the world na lumaban sa Busan International Film Festival Asian Project Market. Ang unang project niya na narrative film na Boundary ay ginawaran ng NETPAC as Best Film winner sa Cinemalaya last 2011. He also received the Philippine Daily Inquirer’s Indie Bravo Award noong 2012 for creating films that received international acclaim and recognition.
Track record wise, hindi kung saan-saan lang pinulot si Direk Benito
para mag-direk ng Mumbai Love na sa trailer pa lang, swak na sa panlasa
namin.
No comments:
Post a Comment