Monday, January 6, 2014

EUGENE DOMINGO FEELING DIVA?

Pilar's Stars' Trips 
Ni Pilar Mateo

Nangangamoy away ang isang pinag-usapan'g isyu sa Facebook recently. Sumingasing kasi sa galit ang komento ng nag-post nito sa nasabing networking site. At marami naman ang naka-tukoy sa kumbaga'y inireklamo'ng celebrity sa nasabing page.



Kaya nagtanung-tanong na lang ako sa naturang isyu. Si Eugene Domingo ba ang tinukoy sa nasabing blind item?

Tinulikap ko na lang ang bida ng “Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel” at ang pagu-usisa ko sa kanya eh, kung nararanasan na ba niya ang mag-dumiva sa status niya ngayon, hindi lang bilang isang mahusay na manggaganap kundi star na rin in her own right-globally nga 'di ba?


“Hindi ko pa naririnig ang sabi-sabi na 'yan,” bungad ni Euge sa kanyang mensahe sa akin sa FB matapos niyang bumati ng “Happy 3 Kings!”

“But in general, the way I work-lahat ng ni-request ko in every production ay laging part ng pre-arrangement and agreement between my side, our line producer and staff. Pwede ka naman mag-imbestiga sa kanila mismo-namely: Ferdinand Lapuz (producer); Tonee (our PM); Omar Sortijas (talent coordinator); Perci Intalan (producer) and direk Jun Lana himself-mismo if you like!

“Thanks for asking! Objective naman ako. You may also ask our production-October Train and APT. kahit iabng production din kung talagang gusto nilang malaman how I work.


“As for me, happy-happy lang. At happy naman kami nina direk Jun. And I believe we are traveling again with the film in other festivals pa so looking forward to that. Enjoy kami lagi diyan! Forward ko rin sa kanila ang tanong mo para masagot din nila. Para fair. Thank you!”
After wishing me na sana ma-meet ko all my goals in 2014, may pahabol pa ang award-winning actress.

“P.S. Para exciting 'di ba? Super sarap ng bonding namin sa Tanay, Rizal with cast and crew. Pa-ligu-ligo pa sa ilog 'pag may time. Sa tutoo lang, nasanay na kami doon na walang kuryente, walang signal. Super simple. Unforgettable 'yun. At REWARDING!”

Sa malayong location nga raw kasi ng “Barber's Tale” nag-inarte si Euge at diumano, pinaglaruan ang isang ka-trabaho niya at kung anu-anao raw ang pinagre-request.

Hindi naman natukoy kung ano ang mga request na imposible'ng makuha sa nasabing lugar. Nagpabili ba siya ng Starbucks o nagpa-take out ng pagkain?

Ang mga kasama ni Euge sa trabaho ay sina Gladys Reyes, Iza Calzado, Daniel Fernando, Sue Prado, Nicco Manalo, Sharmaine Buencamino at Nonie Buencamino.


Say naman ni Euge, okay din daw na tanungin ang mga kasama niya sa produksyon. At okay lang daw magsalita ang mga ito.

Hmm...sino kaya sa kanila ang kamag-anak ni “Honesto”? At sino ang nag-parating ng balita'ng nagdudumiva sa set si Euge? Kaya, hindi rin mana maiaalis na may mag-react dahil magkakakilala at magkakaa-trabaho na ang mga tao rito.

No comments:

Post a Comment