Extreme!
Ni Roldan Castro
Kabog ang kontrobersyal na quotation ni Anne Curtis
na “ I can buy you, your friends, and this club” ngayong 2014. Dapat
magpasalamat si Anne kay Kim Chiu dahil ito ngayon ang pinag-uusapan ng
movie press at social media. Ito’y ang “"We don’t owe you any of our
personal lives” sa presscon ng latest movie nila ni Xian Lim na "Bride
For Rent". Directed by Mae Czarina cruz.
Nakaka-nega kay Kim s ang tugon niya na kung saan ay balitang
nag-walk-out ang reporter na nagtanong nito.
Simple lang naman ang question na “We want an honest answer. Kasi,
nauumay na rin kami minsan. Palagi kaming nabibitin.May tinatanong kami,
kung anu-anong pasikut-sikot ang isinasagot sa amin. We want an honest
answer: Nasaang level na kayo ng inyong relasyon at kayo na ba, kung
saka-sakali?
We will respect kung ano ang sagot niyo."
Puwede namang itawid ni Kim ang sagot sa tanong na ‘yun na hindi siya
nakaka-offend pero nag-iwan tuloy nang hindi magandang impresyon sa
kanya.
May anghang talaga ‘yung sagot ni Kim. Kahit sino makarining offending,
lalo na sa mga thinking press. Hindi lang naman ‘yan na basta isusubo sa
yo, kakainin at lulunukin mo. Ang sagot lang naman diyan ay yes or no
at hindi niya kailangang magbigay ng anumang explanation.
At base sa mga sagot ni Kim sa presscon at obserbasyon ng press, parang
hindi pa siya totally nakaka-move on sa dati niyang boyfriend na si
Gerald Anderson. Nandoon pa rin ‘yung sinasabi niya na natatakot siyang
makipagkaibigan (dahil bas a karanasan niya kay Maja Salvador) at si
Xian lang ‘yung matiyaga na nandiyan sa tabi niya.
Kinagabihan after ng presscon mababasa sa Twitter Account ni Kim :” cant
sleep. . . . :(“. Mukhang may nagpapa-bother sa kanya. May kinalaman
kaya sa kanya sa pagtalak ng isang reporter sa kanya at hindi nakatiis
na sabihin na-offend sa sagot niya?
Kinaumagahan, sa Instagram Account ni Kim na (chinitaprincess) mababasa
ang
"people will hate you, rate you, shake you and break you. but how strong
you stand is what makes you." good morning!!!:) today is another day!:)
God bless everyone!:)
No comments:
Post a Comment