Extreme!
Ni Roldan Castro
Kontrobersyal ang pagkapanalo ni Maricel Soriano
bilang Best Actress sa nagdaang MMFF Awards Night para sa pelikula nila
ni Vice Ganda na ‘Girl, Boy, Bakla, Tomboy’. Hindi raw deserving ang
Diamond Star na manalo. Mas deserving daw na manalo ang isa kina KC
Concepcion at Eugene Domingo.
At dapat din daw ay sa supporting actress
category lang na-nominate si Maricel dahil support lang daw ito sa
kanilang pelikula.
Nang mapanood namin ang ‘ Girl, Boy, Bakla, Tomboy,’ mula umpisa
hanggang dulo kasama siya sa pelikula.Bagamat title role si Vice,
umiikot ang istorya sa kanilang pamilya.
In fairness, may acting si Maricel. Puwede na siyang mag-win ng
award sa role niya. And more on drama siya rito kesa comedy. Hindi rin
puwedeng kuwestyunin ang husay niya sa pag-arte dahil ‘di mabilang
na acting trophies na napanalunan niya since child star pa lang siya
Irespeto na lang sana ng detractors ni Maricel ang naging desisyon ng
jurors ng filmfest.
At kung sa Best Actress category man na-nominate si Maricel , ang
tiningan siguro ng jurors ng filmfest ay yung merit ng performance niya
sa pelikula at hindi yung ikli lang ng kaniyang role.
Marami kaming nakausap na nakapanood ng ‘Girl, Boy, Bakla, Tomboy’ at
iisa ang narinig namin sa kanila, magaling daw si Maricel. Okey na
maging Best Actress.
Hindi kagaya ni Vice Ganda na kahit apat ang character niya sa naturang
pelikula, parang iisa lang ang acting. Parang inayusan lang siya na
maging Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Hindi niya nairaos na maramdaman mo
talaga na kakaiba ang acting ng apat na karakter niya.
Ang ending tinalo siya ni Robin Padilla na deserving talaga na maging
Best Actor sa ‘10000 Hours’.
‘Yun na ‘yun!
No comments:
Post a Comment