Rated!
Ni RK Villacorta
Taon yata talaga ni Nora Aunor ang 2014. Bukod sa pelikulang
Padre de Pamilya with Coco Martin, may ginagawa rin siya (halos
magkasabay) na pelikulang Dementia na unang directorial job ni Perci
Intalan, dating Creative Head ng TV5.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhvTpLvq_MggL1H9JPwHTqOJKgoXpe4AK1_oVlUzd9tHzqDdWJpGBuxDiBWl-4S6r7mD2RINnfHUf8f_7wO83hxJr4JuoEL3wdrFZvcATRQpbgFfXCRCqmbtdw1ynLGKQ9lmrVljFOC8w/s200/nora-aunor.jpg)
![]() |
Director Perci Intalan |
Kuwento sa amin ng isang production insider, natutulala nga raw si
Direk Perci
Kapag eksena na ni Guy kung minsan, hindi na niya ito
kina-cut dahil sa pagkabighani niya sa aktres.
Kahit sino naman (tulad ni Coco Martin sa pelikula nila ng aktres)
iisa ang nasasabi nila, “super galing” ni Nora na maging sila ay
napapamangha at speechless kapag kaeksena na nila ito.
For 2014, bukod sa Padre de Pamilya under Adolf Alix, Jr. as director
at itong Dementia ni Direk Perci, may nakabitin pang isang teleserye si
Guy sa istasyon ni MVP na kasama naman niya ang dating ka-loveteam na
si Tirso Cruz III.
By the way, kasama ni Nora sa Dementia ang baguhang na si Jasmine Curtis-Smith na kapatid ni Anne.
Sa mga Noranian, heto’t may mga producer na nagsusugal sa idolo n’yo.
Kumilos na kayo at mag-ipon para may pampanood ng sine at hindi ‘yong
ngawa na lang kayo ng ngawa sa Facebook na diehard fans kayo gayong
kulang naman kayo ng suporta sa idolo n’yo.
No comments:
Post a Comment