Rated!
Ni RK Villacorta
This time, producer si Coco Martin kung hindi ako nagkakamali.
Mukhang maganda ang first project ni Coco kung saan siya ang isa sa
major investor via the movie Padre de Pamilya, kung saan halos lahat ng
kasali sa pelikula ay mga award-winning performers.Bukod kay Coco as producer, first time makakasama ng aktor si Nora Aunor. Maging sina Joel Torre, Rosanna Roces at Anita Linda, makikipagsabayan sila sa isa’t isa sa pagalingan ng pag-arte.
One nice thing about the film na nagsimulang mag-shooting first week of January lang, ini-expect na pang-award para sa lahat ng mga kasali from the lead actors to the supporting roles, walang itulak-kabingin ang award-giving bodies kapag naipalabas na ito at makikipagsabayan sa award season.
Busy sa kanyang pelikulang Padre de Pamilya as actor and producer mula sa direksyon ni Adolf Felix Jr., ang tanong ng kanyang mga fans, kaila naman kaya magbabalik telebisyon si Coco after ng success ng fanta-seryeng Juan de la Cruz sa Primetime Bida?
No comments:
Post a Comment