Pilar's Stars' Trips
Ni Pilar Mateo
Para siyang Reyna'ng ke
aga-aga'ng dumating sa launching ng bagong branch ng The Library Comedy
Bar ni Mamu Andrew de Real doon sa Metrowalk in Ortigas. Magka-cut daw
siya ng ribbon. Hindi raw available si Anne Curtis! Eh, magka-level lang
naman daw ang ganda nila. At yamang wala pa rin siyang love life, hindi naman kaya sila ni Mamu ang ma-push ng anak nito na mas maging lalo pang close? "Sobra-sobra na nga. Soon lilipad na naman kami pa-Amerika para sa pagsasama-sama uli namin nina K Brosas, Pooh at Chokoleit. Si Mamu ang may pakana nun. Enjoy lang kami na parang isang pamilya." Sa tingin ba niya nai-intimidate ang mga lalake sa kanya kaya madalang pa sa patak ng ulan 'yung naglalakas-loob na lumigaw sa kanya? "Feeling ko nga. Meron naman ako mga na-type-an. Kaso may mga jowa na. Mga tipo'ng Fanio Ide o Daniel Matsunaga. Mga foreign ang dating. Kaso, mahirap with my work, with my daughter syempre. Alam mo na. Kaya work kete work pa rin ang priority." Kung makikitang madalas si Pokwang ngayon sa Metrowalk sa Thr Library-ay
hindi po 'yung pagpu-push na maging sila ni Mamu ang magaganap. For sure pageensayuhin na sila o pagre-rehearsin ni Mamu for their shows in the US.
No comments:
Post a Comment